Wednesday, June 22, 2011

Lost Kid (Ang nawawalang bata)

I'm tired of being the lost kid. Hindi ko alam, pero for some reason, lost talaga ako. effortless maging tanga at maging gullible kahit paulit-ulit na. Nakakainis. Parang bini-bigtime lang ako ng tadhana at naaaninag ko na may mukha siyang naka-belat sakin. Parang pinagkakaisahan ako ng lahat ng tao. Or feeling ko lang yun? Pero hindi. feeling ko tama ang feeling ko. Lost ako kahit kelan. Parang iniluwal ako ng nanay ko para sa gustong manloko at mambully. Siyempre, walang bully kung walang i-bu-bully. Ako yung binu-bully. Yung tipong papaalisin sa upuan dahil may dumating na gustong umupo. Yung utusan ng lahat at ituturo ng nakararami kung wala na silang choice. Oo ako yun! Pero, hindi ako nag-se-self pity ha. Mind you. Hindi ako marunong nun. I'm just stating a fact that seemed to be obvious. Kasi nga ganun talaga ako. Bukod pa sa lapitin ng bullies at loko-loko, ako ay napaka-clumsy effortlessly. Ewan. Ako yung tipong taong pag lumabas na ng kuwarto para pumasok, babalik dahil may nakalimutan. Aalis at babalik ulit. At siyempre, recordbreaker ako. Araw-araw yan. Lagi akong may nakakalimutan ng hindi sinasadya. Kahit na may nakalista ng dapat dalhin, meron at meron pa ding maiiwan sa loob. parang tae lang na hindi lahat lumalabas. meron at meron pa ding naiipon. (sorry sa comparison, wala na akong maisip. ang tae kasi madali siyang ikumpara sa kahit ano). Besides that (siyempre english), lagi akong nadadapa o may natatapakan na tao o nauuntog sa kung saan-saan. In short, di lang bullies ang lumalapit sa akin. Oo, tama. Pati ang aksidente, na walang buhay at hindi humihinga, nakiki-bully na din. Ganun talaga. Kaya masarap akong asarin at lokohin, dahil hindi ko man sadyain, sadyang tanga at lost lang ako sa mga bagay-bagay. Nakakatawa nga pag may tinatawag akong katulong sa bahay, at ang nanay ko ay biglang hihirit: mga dalawalang linggo na siyang umuwi. Malay ko ba? In defense of myself, hindi naman kasi ako madalas nag-uutos ng katulong. Sabi naman ng nanay ko: wala ka lang alam sa kung ano nangyayari sa bahay. Well, apparently, in time, matututunan kong mahalin ang weaknesses ko. May mga weaknesses kasi tayo na sadyang di lang talaga natin mapalitan na parang I-phone lang na pinag-iipunan. Siyempre, binubuhos ko naman lahat para maging 'changed person' pero minsan, kahit ano pang effort mo, lahat ay mapupunta sa wala, parang tae na fina-flush sa bowl (sabi ko sa inyo, puedeng icompare ang tae sa madaming bagay).

Ang hiling ko lang sana ay hindi ako maging ganito forever. Hindi ko hinihiling na hindi ako lapitin ng mga bullies. Gusto ko dumating yung araw na hindi na nila ako kayang lokohin ulit dahil sa natural na katangahan ko. Lost kid? Ako yun. Wala ng iba.

No comments:

Post a Comment