Monday, June 6, 2011

Ano? Pasukan na ulit?

First day of classes is nine effin days from now. Ambilis pala! Oh well. Ang sabi nila, masarap magbakasyon. Kasi it made you miss the smell of school a lot that you cannot wait to go back and flip those books. Yun ang sabi nila. Ang sabi ko naman, masarap magbakasyon dahil masarap na walang ginagawa habang finu-fulfill ko ang isang role ng patabain sa bahay ng aking mga magulang (minus yung araw-araw nilang pagse-sermon gawa nga ng aking katamaran, yun lang ang ayaw ko). Masarap magbakasyon dahil wala kang iniisip na problema. Ang problema mo ay kung ano ang puedeng problemahin. Mas masarap ang buhay ng gigising ka nalang ng tanghaling tapat, ang pagkain ay nasa harapan mo na at kulang na lang ay subuan ka pa ng nanay mo na parang hari, manonood ng paborito mong palabas na may tse-tseryang hawak-hawak, mangga-gago ng kapatid, at mag-je-jebs. Napaka-ideal. Pero siyempre, ayoko naman ng araw-araw, pabalik-balik ako sa mga gawaing maituturing na walang kuwenta at patutunguhan. Gusto ko din naman pumasok. at mag-aral. at mag-basa ng tone-toneladang librong pang-Medisina. Kahit labag siya sa aking kalooban, kailangan naman kasing mag-aral talaga at maging isang propesyonal na magiging daan upang kumita ng datung pang-Europe tour na matagal ko ng inaasam.

Ang gusto ko lang naman iparating sa blog na ito ay ito: Ang bilis lang ng panahon. Sinisimulan ko pa lang ang bakasyon ko, pasukan na ulit. homaygad! Sana may pause button na puedeng pindutin anytime para masulit ko ang pagtulog ng labindalawang oras araw-araw.

No comments:

Post a Comment